Lame, I know.
Anyway, I didn’t want to post it here because I was afraid I’m gonna be followed by some psycho who likes to make more lies about me… but, I realized I’ve posted my the link of my new blog on my plurk and twitter already. So here: http://clothespin.posterous.com
BRING IT ON, BABY.
1. Sa Twitter ng isang kaibigan, nakita ko ito, http://jayisgames.com/cgdc9/?gameID=11. Paliwanag ng mismong laro, isa daw itong “personal journey about learning to move forward in life.”
Isa sa mga unang lohikal na gagawin mo at mangyayari sa larong ito ay ang pagpasok ng bida sa maitim na ulap ng mga alaala. Sa bawat pagpasok ng bida sa maitim na ulap, makikita mo sa screen ang imahen ng iba’t ibang mga pangyayari at mga taong dumating at umalis sa buhay ng bida. Pagkatapos, parang idudura ng maitim na ulap ang bida. Kapag patuloy mong pinilit na pumasok sa ulap, mas lalakas ang musika sa background at mas magiging malinaw ang mga imahen. Pero, patuloy ka pa ring idudura sa lapag ng ulap.
May kasamang aso ang bida. Ituturo ng aso kung anong kailangan mong gawin. Kapag sinunod mo ang aso at tinalikuran mo ang maitim na ulap, dahan-dahang mawawala ang itim na ulap.
Sa ngayon, palagay ko, panahon na para sumunod sa aso. Tapos at pagod na akong maidura sa lapag. Ayaw ko munang mabingi sa musika sa background o mabulag sa mga imahen ng nakaraan. Kailangan munang talikuran ang nakaraan para mabigyan ng nararapat na kahulugan. Kahit na natatakot ako sa kahulugan na maaari kong malaman balang araw.
2. Napagtanto kong patuloy pala akong umaasa kapag may pinapalimos na pag-asa. Pero mukhang sa kasong ito, kailangan ko ng mag-”wise-up” at gupitin ang lahat ng tali dahil hindi ito pag-asa. Limos lang ito. Tali lang. Bakit ko sasakalin ang sarili ko sa kaguluhan ng ibang tao?
3. Sabi ng iba, nagkapatong-patong na raw kasi ang mga nawala kaya mas mabigat ang nararamdaman ko ngayon–kahit na walong buwan lang ang pinagdaanan. Sa totoo’y apat na taon ang pinagluluksa ko ngayon ng hindi ko napaghandaan. Nagtiwala kasi ako na maayos na ang lahat, dahil nagmamadali ako. At naantala kasi ang pagluluksa ko noong Pebrero 2010, o at hindi ito natapos ng maayos.
Siguro nga. Kung ang ibig sabihin ng maayos dito ay pagmamahal sa sarili at hindi sa bagong tao upang kalimutan ang nauna. Baka nga may mga naulit na pagkakamali, kung saan hindi ko pinayagan ipakita ng sarili ang kaya niyang gawin.
At sa totoo lang, kaya na rin siguro umabot ako sa puntong kailangan kong tumalikod sa lahat–nakakasawa na kasi. Nakakasawang ibuhos ang enerhiya sa pagsubok na umayon sa kung anong kasalukuyang gugustuhin na kasalukuyang kasama. Manunulat, intelektwal, payat, maganda, makulit, malambing, independent, nakakatawa, maalalahanin, mataray, mapag-alaga, malakas, mahina, dependent, tomboy, mahinhin, kikay, malamig ang ulo, hindi matanong, tahimik, madaldal, opinionated, etc, etc, etc.
Ewan, parang laging naglalaro ng tinikling. At parang laging naiipit ang paa ko kasi hindi ko na malaman kung saan ang sunod na talon o hakbang.
4. Sa dami rami kong sinabi, sa totoo lang, nagpapaalam lang ako. Gusto ko man na kung anong ginawa o format ng blog ito, at ang plano’y maging blog ko sa loob ng ilang taon pa katulad ng mga naunang blog, kailangan ko siyang iwanan. Kasama sa proseso ng pagtalikod. Masyadong maka-2010 ang blog na ito at hindi ko pa alam ang gagawin ko sa mga magaganda at pangit na alaala ng 2010.
Lilitaw naman ulit ako, siyempre. Sa ibang lugar at panahon siguro. Magkita na lang tayo doon.
1. Stop torturing yourself too much. You can be awesome without these people. And you can meet them someday when you’re more awesome. Right now, you have to not dream it, be it. And it may feel as if something’s missing at first but there’s not. They were good friends. And right now they’re not good friends to you and you have to get away from them because they only cause hurt and trouble. Hurt and trouble are not something good to come home to.
You need to come home to good friends. Come home to your good self.
2. He deserves someone to love him better than you could, someone to think he’s awesome. Someone who doesn’t feel awkward in some of the things he say or do just to please people and be the center of attention.
3. You deserve someone to love you better than he could. Someone who gives you the time and day. Not second fiddle to work with meaning he can’t defend. You deserve someone who is not afraid of the question “why.”
”There is such a thing as love. There are beautiful moments. But love is about life. And life is about the long haul.”
http://www.relevantmagazine.com/life/relationship/features/21488-emotional-pornography
Goodbye 2010. You’ve been… weird. Part fairy tale, part birth pangs, all wake-up calls. I hope I can finally properly write about you someday.
